Sunday, December 21, 2008

Santa chronicles


Sino nga ba syang nakasuot pula, hila ng mga usa,
puti ang balbas nya, siya'y mataba
lahat ng bata'y naghihintay sa kanya.....
--sung by Jolina Magdangal during her wonder years

Hello.ilang taon kayo nung huling naniwala kay Santa?
ako hindi ko alam, parang nadiskrube ko na lang. Akala ko unfair si Santa eh.

Situation 1 Naglalakad kami dati sa isang toystore at nakita namin ang isang doctor doctor set. Yun ang natanggap ng pinsan ko nung christmas day galing kay Santa... di ko alam, baka nabasa nya ang isip ng pinsan ko o kaya nagshoshopping na rin sya sa pilipinas. Pero kung sa bagay, napakabait talaga ng pinsan ko. Valedictorian yun.

Pero mas nakapagtataka, yung doctor doctor set na rin yun ang natanggap namin mula sa tiyahin ko on the same christmas...hmmm...

Situation 2
Anyway, hindi ako masyadong bumilib kay Santa. i tot i was a bad girl. Nagsasabit kami ng sako sa labas ng bahay pag christmas eve at nakakatanggap kami ng Pork and Beans, Mongol #2 pencil, at Johnson and Johnson powder. Parang grocery din pala ang mga regalo ni Santa Claus.

Di bale, pag naaalala ko yun ngayon, natutuwa naman ako. At least i have something to smile about when i remember my childhood. Diba, marami akong makekwento sa mga apo ko. Tsaka ngayong meron akong little brother (na si Wenz), ipinagpapatuloy pa rin namin ang tradisyon ng panloloko kabutihan ni Santa Claus. Sana hindi nya pa madiskuber.

Wenz: Alam mo, feeling ko hindi totoo si Santa.si mama at papa lang ata yun eh.
Flor (pinipigil ang ngiti)
Wenz: kasi dati nung nagpunta sila sa Korea, wala naman akong natanggap kay Santa
Flor (iniisip na wala syang kwenta syang pera noong panahong yon)
Flor:good boy ka ba non?

Well, i dont know what to say?
what would you say?

8 comments:

Amorgatory said...

merrry xmas!!!!

RJ said...

Hahaha! Nagustuhan ko yung script sa dulo! (,"o

Grabe, sako pala ang pansabit nyo noon?! Ako pillow case lang.

Maligayang Pasko!

gillboard said...

di ako naniniwala kay santa, kahit nung bata pa ako... kasi magulang ko, sinabi na agad na di yun totoo.

tapos the only time na nagregalo sakin si Santa, may kasamang letter na nagsasabing kelangan ko daw mag-aral sa Math at Science (mababa grades ko dun noon). Alam ko na agad na Tita ko yun kasi siya lang naman ang laging nagnanag na mag-aral ako sa 2 subject na yun.

Merry Christmas!!!

=supergulaman= said...

hanggang ngayon medyo malabo pa din sa akin paano na evolve ang name na Santa Claus...noon batang uhugin pa lng ako...syempre naniniwala ako..pero ngayon mlabo na yun...:))

Maligayang Pasko... :D

lucas said...

happy christmas :)

Labubblychica said...

Hi KCat!!! Merry Christmas!!!!

dlysen said...

pag natutu namag blog si Wenz at nabasa nya eto eh madiskobre na nya.

bruce said...

Thank you for your great article, excellent!
fap turbo
forex bulletproof
forex megadroid

Blog Widget by LinkWithin