Saturday, December 13, 2008

Life goes on?

It's so cold today! Parang gusto ko nang bumili ng scarf at mittens. (feeling may snow)

Simula na naman ng simbang gabi, pero since LDS kami, siguro sapat na samin ang Simbang Puto Bumbong. Kumbaga, ang pinagpupugay na lang namin eh yung tradisyon nating mga Pinoy. Tsaka talagang masarap ang puto bumbong. October pa lang, suki na kami nyan.
-----Change topic---
Simula na rin ng training namin last week for Basic Skills.Bale hindi natupad ang pangarap ko maging Korean school teacher. Ang lakas kasi ng hatak ng call center (driving force of money). Well, not that i'm making fun of call centers. It is a decent job with a lot of benefits. And mind you, it helped decrease the employment problem here in the Philippines. Siguro, masyado lang talagang ginawang negative sa paningin ko about call centers. Na mahirap daw pag graveyard..kasi tataba ka, matututo ka magsmoke..matututo ako magkape , politika at may immorality problems din daw.

Unang araw pa lang.., hello world.. Ako na po ang reyna ng second hand smoke. Kaya pinagdasal ko talaga na makahanap ako ng friends na hindi nagssmoke. Nakahanap rin naman ako eventually kaya masaya na rin. Bale tatlo kami out of 1,000. Marami rami rin pala kami.
***
May solusyon na rin sa kape problems ko dahil meron nang vendo for hot choco/milo. 5 pesos lang!
***
Kung tataba ako, saka ko na malalaman..(Please lang po, wag po, pramis mag-aalay ako ng itlog sa lahat ng santo)
***
Eto pa..Inuman.Hindi ako sanay dyan. One week pa lang, nayaya na agad akong "sumama man lang" daw.Nahihirapan akong pakisamahan ang mga ibang lasing na nagkekwento na ng life story nila sakin na pang-MMk. Parang kumpisal sa pari. Ayos lang naman yun pero, namannn, 1 week pa lang tayo magkakilala pards.
***
Politika. Kailangan daw higop ka. Higop means sipsip. Pero mas uso na ang higop.
Anyway, sa palagay ko, lahat ng kumpanya merong politika. I just have to deal with this, right?
***
Immorality. Ito ang pinaka-kinakatakutan ko sa lahat. According to one seminar i attended in the past, they said that the fastest-selling products in any convenience store near a call center are condoms.. (silence for 2 minutes) I hope talaga, I hope that my personality is strong enough to withstand any of this. Sa classroom pa nga lang eh, lahat na ng double meaning words narinig ko na. Katulad ng...tooot.wag na censored yan at hindi na natin dapat pang pagusapan diba?
Yun lang hindi ko ma-take ay ako lang ang kaisa-isang 21 yr old dun. Lahat married, may anak, may ka-partner, parent (single or double), etcetera. Pinakamalapit na sa age ko ang 24 or 23.
I am the only one in my background na fresh grad, single, nbsb,...etcetera din. Minsan hindi ko masakyan ang humor nila. Tsaka yun nga, double meaning.
***
Basically, Im thankful because I have a finally have a job this Christmas. Another thing is that during training, we are paid to be entertained in class. Nakakatawa yung teacher namin parang comedy bar. Tapos lagi merong production number pag may late sa klase at nung last day ng basic training. Natututo pa ko ng Standard English accent. I'm also thankful because, at least, I'm being exposed to different backgrounds when it comes to people. Tsaka welcome to the real world na nga talaga ang drama ko.

Ayun. I miss my friends and all the fun gala times. Medyo melancholy, but I have to stay positive para maging worthwhile ang 3 months stay ko bilang call center agent. Aja Aja, fighting!

Next time ko na kekwento sa inyo ang mga funny moments of layp as a trainee in northgate. See you when i see you!

14 comments:

Anonymous said...

nagyon lang ako uli napadaan dito. sa call center ka na pala.

sa pagtaba, depende ata. ako kasi, jan ako pumayat dati, nung nagtraining ako sa call center. 2 months lang yun pero malaki ang ibinagsak ng katawan ko. kaya hga next year, balik ako sa call center, ahahaha!

sa mga kasabayan kong trainees dati, tinanong nila isa-isa kung sinong virgin at kung sinong hindi.kelan daw ang first time sa sex, blah blah blah. nung malaman na virgin ako (dalawa lang kami sa batch) ayun, pinagtatawanan nila. pero kebs lang ako nun. malakas lang mang-asar pero mababait naman eh. basta kung ano pinaniniwalaan mo, dun ka.

Anonymous said...

God bless your newest endeavor :D ...Aja!

Unknown said...

pagkagrad dumeretso ako ng call center eh, tapos nagquit nung magboboard na..

ang masasabi ko lang...

hindi ko na siguro babalikan, maghahanap ako ng trabaho kahit ano, kahit minimum, kahit tiga-timpla ng kape... wag lang bumalik diyan...

papasok ako dati, nagsisimula pa lang mag-inuman sa bahay,
paguwi ko, kalat na lang.. kalungkot.. hehe

Anonymous said...

best of luck sa new career mo.

gillboard said...

sus lahat ng nabanggit mo na mga katangian sa call center, mahahanap mo sa kahit na anong propesyon ang pasukan mo... nasa sa iyo naman yan kung bibigay ka o hindi sa mga tukso...

ako 5 taon akong nasa call center, pero di ako natuto magyosi.

Pulitika... eh mas lalo naman to.. di nawawala ang mga sipsip sa mundo... ang sakin lang dito, daig ng taong may angking talento ang sipsip.

tumaba ako, at natutong uminom, pero occassional lang.. buti na lang may gym kung san ako nagtatrabaho ngayon..

imoral... hmmm... no comment... hehehe

Anonymous said...

wow! congrats to your first job as call center agent..

*marami ka tlgang mddaanang pagsubok.. ui, wag ka mag smoke..bad sa health yan..hheehe

stay safe :)

Anonymous said...

woohoo!
kung dyan malamig na eh paano pa kaya dito sa baguio!
nanginginig na ako! huhuhu!

grabe talaga mga tao oh.
bat naman condom dyoskoday!
it's immoral!
let's promote pro-creation not recreation!

Anonymous said...

I'm happy for you may work ka na...whatever happens to you there, just be strong...once I tried that work too kase yun nga malaki ang sweldo especially pag outbound calls ka...but my heart is really for making business and layout jobs...ang importante is that you have work now to earn...don't forget to save my dear kase kahit anong laki ng kita natin, pag wala tayong savings in the future, dun palang tayo magsisimulang magsisi at manghinayang. Sayang ang time and effort. We are all striving to become financially free to live stable decent life in the future diba. Basta, ang masasabi ko lang is BEST OF LUCK and DO YOUR BEST ON YOUR WORK! okies...love it if you can.

M A Y A said...

masaya sa call center pwomise! :)

Axel said...

Yeah! Call center in its nature is not bad, but for me also ayoko talaga sa mga ganung work... Mas gusto kong matulog sa gabi eh...

Sobrang bait mo naman, wala ka ni isang bisyo... TAO ka ba??? hehehe...

Sa mga susunod na taon, hindi mo na mafeel na ikaw ang bata... You will be one of them na rin... Pero ako, 3 years na sa work pero ako pa rin ang pinaka bata sa company namin... hehehe

Anonymous said...

hindi ako tao..isa akong dyosa

Axel said...

ahahaha... sige na nga... lolz

santracharles said...

ahahaha

bruce said...

Thank you for your great article, excellent!
fap turbo
forex bulletproof
forex megadroid

Blog Widget by LinkWithin