Sunday, January 25, 2009

I want to talk to your supervisor!

Hi friends.

PROS
Ngayon naiintindihan ko nakung bakit maraming may gusto sa call center,
Una sa lahat, kahit fresh grad ka, okay (na okay) ang sweldo mo. Lalo na kung single ka at malamig ang naging pasko mo.
Matututo ka ng English.
Madali lang pag nasanay ka
at Mabilis lang ang promotion.
--yun ngang director namin sa account namin, 26 years old lang! 21 lang daw sya nung nagsimula sya bilang agent. Kaya naiinspire ako

CONS
- Namimiss ko matulog sa gabi..katabi ang mga kapatid ko.
- namimiss ko na kumain at magnight out kasama ang friends.
- para bang lagi akong kabado na may gagawin ako mamayang gabi
-matututo ka magmura at magsmoke sa inis dahil ang bagal ng system at dahil na rin sa mga floor walkers na hindi mo alam kung tinutulungan ka o dagdag lang sa mga pasakit mo sa buhay
- pag uwi ko sa bahay, pumasok na sila sa eskwela
- breakfast ang afterwork gimik mo. Mamili ka sa Bacolod Chicken Inasal, mga fastfood, Starbucks, at 7eleven

***
Anyway,pumunta naman tayo sa first call.
I received a call for the Dental dept. Pero Medical dept ako kaya mali. I tried to transfer her to Dental pero hindi ako marunong. Pano ba naman, tinuro lang samin ang pagamit sa AVAYA in 10 seconds.(What is an AVAYA? it is a phone from the Pleistocene period -Merriam Webster) Yung trainer namin, jargon pa ang ginagamit sa pagtuturo sa amin.

"Okay if you're on break, press Aux 1."
"To Login use, star 8o, then type your Lucent."
"To go back in, use Manual In."

What the heck, ano yan ate!.. Dapat maging sensitive ang mga trainer na hindi lahat sa amin ay may experience sa call center. Hindi pa nga ako marunong maghold. Minu-mute ko lang.
Pano ba naman, sinabi sa'min na to hold, press Hold, to go back to your caller, press Hold din daw. Badtrip. Maling- mali.

Tinawag tuloy akong ridiculous ng first caller ko. Well ridiculous na kung ridiculous, whatever. Gusto mo pang kausapin ang supervisor ko, well, ipinatransfer ko sya sa katabi ko at nirelease na yung call.

Hay, sa inis, kumain ako sa Mcdo ng maraming junk food kahit masira ang diet ko para lang ma-comfort ang sarili. Ganun pala pag stressed, ni hindi mo na malasahan ang pagkain, nilulunok mo na lang.

Pero nung second part nung araw, nakasagot nanaman ako ng tama sa mga tawag at pagsakay sa elevator, nakangiti ako magisa parang baliw. Ganun pala pag napapractice mo ang naituro sayo sa training. Fulfilled ka pag naging successful ang outcome at natulungan mo ang caller mo.

Tapos, napakagaling nung katabi ko. First day nya, meron na siyang commendation. Ang galing. Naiingit ako..pero naiinspire din ako to do better.

Oh well, another week has passed. Next week graduation na namin. Which only means..
Few calls and a lot of food. yipiyow yipiye

Sunday, January 18, 2009

call center virgin

Hello friends.
I'm excited cause I already have a new headset.
We will start our ABAY on Monday. (it means we will already take in calls) gulp gulp gulp.
Monday means 21 hours from now.Oh my gosh.
Right now I'm starting to make a cheat sheet for everything i need to say tomorrow.
***
Last Wednesday, we tested the waters, we went on a pre-ABAY.. (which means we took in calls for an hour to know how it feels like)
i was never given a chance cause my partner was the one who took the calls and i was the one who navigated the system. But our headphones were connected so that we can both hear what the caller was saying.
Bara-bara lang naituro samin ang pagamit ng AVAYA. (the phonelike structure you use to transfer and take calls)..so we really sucked like we didnt know how to log in or transfer.
Napaka sungit pa nung trainer namin nung time na yun. Sa bagay 11 pairs kaya kami na hinahandle nya.

Our first call was a sup call. (it means the caller asked for a supervisor). Horror talaga. This is because we were given calls that were supposed to be for dental. We belong to medical that's why we didnt notice that the call was for another department. "I want to talk to a supervisor", the caller said. Dapat nga magkukunwari na lang kami na ako yung supervisor. But we still called her up. " Im sorry your policy is being handled by another department" said our supersungit supervisor. The caller said to her " why wasnt i told that from the beginning" said the nice- turned-irate caller. The supervisor said a few things and to my surprise really, the customer was appeased. Ang galing men.

We continued making mistake after mistake. Again, the call was out of scope. We need to transfer it pero hindi talaga namin alam gamitin yung AVAYA. Binabaan pa kami. Pano ba naman..

"How do you spell that name again" says my partner.
caller says " Like Nancy..M-A-J-brbrbrbrbr"
watda..
She said Nancy, and spelt it like MAJHID.
we had a hard time.
plus i think my partner was on drugs. (joke lang)
I'm a really empathizing partner though im not sure if i was really helpful to him.
He forgot his lines.
He used up all the ahhs and uhmmms in the world and he was shaking.
Our cheat sheets were flying around, we were so confused.
We really had a hard time. i guess my partner was really nervous.

"Hello Cindy"
"My name's not Cindy, I'm Robyn"
"Oh I'm sorry Robyn" my partner said.
we transferred this call again.
***
Oh well, when we all went out after the hour was over, we saw our wavemates (jargon for batchmates) smiling saying "it was easy", "im pumped up" etc. They did great. My partner and I were smiling cause we were laughing at ourselves. It's a learning experience though.

Pero lugi ako, kasi ang first real call ko ay magsisimula na 20 hours from now
I hope I do well.

Sunday, January 11, 2009

Sine

I know this is old news.. but I'm happy to hear that Anne Curtis won best actress in the MMFF. . And the great thing is that "Baler" won Best Picture. I know im not in the right position to blog about this since i've never watched it..but heck, it's the only entry that is film fest- worthy..
..compare Baler to Iskul Bukol.
or to Tanging Ina

it's the only serious film. Pansin nyo rin ba. Unless you consider the "Magkaibigan" film a serious movie. It stars Jinggoy Estrada.
***
And now Desperadas wins 2nd Best picture. Well, here's something to talk about. I watched it... and.... don't waste your money, i bet it's going to get shown in television in a few months.

it costs 140 pesos per ticket.It's even more expensive than when i watched Dark Knight.. and Dark Knight was superb. Sayang ang pera ko..pambili ng lobo.

Parang niloko lang nila yung film. Sigurado wala na yang sequel kasi wala na talaga syang kwento. Nanggugulo lang. Imagine Ruffa&co (+Ogie) strutting at The Fort carrying shopping bags, slow motion, with matching wind effect sa hair. Basically, that's all.

Nope. exagg naman yun. Basta, siguro kung regular days lang, matiya-tiyaga ko pa yung movie. But the story was all over the place. You understand their point (sisterhood) but the scenes don't get there. I dunno, just that i'm not recommending it. okay. Pero,in all fairness, you will surely have fun kasi sobrang nakakatawa talaga ang mga punchline (Rufa Mae was great). Pero for MMFF? idontthinkso. i also regret bringing my kid brother with us bec. there was a some scenes that they were about to..
***
Sadly. Filipino films have become routine. Horror, o kaya comedy, minsan drama, o kaya basta may loveteam na kasama. Nagimprove na din pero tignan mo ang nangyari sa MMFF ngayon, halata namang sure win ang Baler. I hope there will be more films that cover a broader scope of topics. Nakakatuwa na rin naman pala ang mga indie films ngayon. Happy to see that they're thriving.
***
Here are the Pinoy films that make me proud to watch:
Inang Yaya
La Visa Loca
Mano Po 1
Magnifico
Kasal, Kasali, Kasalo
at
A Very Special love (kumontra panget).

Maganda rin kaya yung Ploning?
kayo ano ng napanood nyo sa film fest?

Thursday, January 8, 2009

More on Cebu.love.

why not? chocnot?
My last post on cebu was so poorly (ghastly) written due to my dying brain cells..remember i already work in a call center?, so i thought it would be nice to post again about this wonderful destination.

First day:Bangag
-Kakauwi pa lang ng 6:45am...after an hour we were on the way to the airport.already.
To kill time in MIA, i took pictures of titles of pinoy pocketbooks.try nyo.nakakainspire.
sample: "adrenalina's rush" at "pagmumurang kamatis ni miss elisa"

mabalik sa cebu.

We celebrated the new year with our very kind host. She was an aunt and her German husband kaya libre lahat. I was actually worried cause I wasnt hearing a lot of fireworks like here in Manila. Pero nung nagcountdown kami ng 9,8,7,5,4,3,2,1..ayun ang dami palang fireworks! ang saya..tradisyon kasi yan sa pamilya na manuod sa magagandang fireworks display at tumalon para tumangkad. Ayun so..

Wala talagang handa.Meron lang sherry at traditional german chocolate biscuits.
(Pinakam aganda sa lahat yung nakapolkadots na black. hihi -kilig..)

Hindi ko naisip na masaya rin pala na konti ang handa. una, walang hassle sa pagprepare at paglilinis..Basta nandyan ang pamilya at merong sayawan,solve. Ang saya talaga pag sumasayaw..Parang nakakawala ako.hoooo yeahhh..

2nd day: Seaweed
Narinig ng host namin na gusto naming mga bata na magswimming. Gusto ko pagbalik ko sa opis,halatang nagswimming ako. Nagulat kami kasi matapos lang ang almusal sinabi nya na nakahanda na ang picninc basket namin! complete with swimming gear! Dinala kami sa napakagandang beach resort (Tambuli). Maganda ang sand. Hindi lang masyadong powdery pero parang foot spa ang mga pebbles.



Pero, pero..merong seaweed sa mismong dagat kaya minsan pakiramdam ko nakatapak na ko ng tao o anumang sea creature. Mababaw lang ang dagat kaya pag hindi nyo trip, edi sorry.

Anyway, maganda naman ang resort, 350 pesos consumable..50 pesos is the entrance fee and the 300 pesos is what you will you use to order food.. I also love the pool and the poolside. Feeling ko nasa Desperadas movie ako. Ang dami rin palang foreigners dun. Note to self: next time i will buy a really good looking swimsuit para kamukha ko na talaga si jessica alba.

Pagkatapos magswimming dinala kami sa Mactan shrine. Nakakagulat kasi ang bilis naming makarating dito.Walang traffic! And the good part is, that shrine is a public park and yet it's so clean and beautiful. Walang ganyan sa Maynila. At murang mura ang mga souvenir. dito kami bumili ng starfish.ilalagay ko yun sa scrapbook.

Nung gabi naman , dinala kami sa Mountain view park. Isinakay kami sa Benz lang. Sorry ah. (yabang na)
Literally, it's a park on top of the mountain. Dun makikita mo ang buong cebu city! at marami ng nagiinuman don. At ang best sa lahat, napakalamig! parang baguio. Meron ditong 50pesos entrance fee.
Nadaanan rin pala namin ang LDS temple in cebu na under construction. We're so lucky!

3rd day: hectic
Bumili kami ng otap sa Shamrock..ito talaga ang pinakauso dito. Meron din turones at dried mangoes. Mahal ng konti kasi tourist spot daw talaga ang cebu sabi ni ate. Ate naman o, trenta na lang ang gas.

Pagkatapos ay nagpunta kami sa Magellan's cross. Ang ganda talaga ng public parks dito! Nanguha pa ko ng mga kandila.harharhar. Anyway, sabi nila,dati raw ay sea shore ang lugar na yan kung saan tinirik ang krus ng espanyol. ibig sabihin reclaimed area sya.



from above

Nagpunta rin kami sa Fort San Pedro. Museum ito pero napakasayang maglakad lakad lang sa lawn. Merong mga kanyon, maganda ang architecture at napakahangin.Maganda rin ang garden na may grass at flowers. Pwedeng magshooting o gumulong (optional). Nga pala, ang dami ulit ng foreigners





After 2 seconds, dinala kami sa isang exclusive village. Akala ko kung anong gagawin namin dun. yun pala ay pupuntahan namin ang Taoist temple. Yung entrance ang linis! Akala ko yun na. Pero pagpasok.wow.parang nasa ibang bansa ka. Ang ganda ganda! walang justice ang mga pictures.



********
Sadly we had to leave and go back to Manila. Pero, grabe nakakarefresh talaga ang bakasyon na 'to. Kaya im ready to face work again!

Gusto ko lang ulitin na lahat ng gala namin ay libre. Mga bisita kami kaya talagang the best kind of hospitality ang ipinakita sa min. Anyways, mahaba na ang sinulat ko..Enjoy.

Sunday, January 4, 2009

Cebu.love.

i officially love Cebu.

why o why did i have to wait to get there?

anyway, sumakay kami sa Zest airline and we were so happy because we were booked into a promo flight wherein the plane ticket costs:jan jan jan jan: P780 pesos. Para lang akong namasada sa Isabela. Pero nakarating ako sa Cebu!


1. kumain kami ng octopus

2. fresh ang kilawin

3. ang laki ng hipon.singlaki ng braso ng baby

4. sana tigilan ko na ang kakakwento tungkol sa pagkain

5. walang traffic

6. ang sarap magswimming sa beach

7. hospitable ang mga tao

8. ang linis ng park

9. narating namin ang Magellan's cross at nanguha ng libreng kandila -klepto

10. ang mura ng starfish.piso isa.pero madaling mapisa

11. mura lahat ng souvenir

12. hospitable talaga lahat ng mga tao.talaga.

13. pero syudad pa rin sya kaya hindi ka maboboring.

14. namataan namin ang soon to be opened LDS temple sa Cebu!!!

15. first phrase na natutunan ko ay "Load na diri".im the best.

Anyway, hindi natupad ang wish ko ko makakita ng poging cebuano.machete.

Saturday, January 3, 2009

sighs..

on a lighter note...i just went to cebu. yey!

stop saying

Stop saying im silent.stop it or im'a b*tchslap you.you dont really know me
Blog Widget by LinkWithin