My last post on cebu was so poorly (ghastly) written due to my dying brain cells..remember i already work in a call center?, so i thought it would be nice to post again about this wonderful destination.
First day:Bangag
-Kakauwi pa lang ng 6:45am...after an hour we were on the way to the airport.already.
To kill time in MIA, i took pictures of titles of pinoy pocketbooks.try nyo.nakakainspire.
sample: "adrenalina's rush" at "pagmumurang kamatis ni miss elisa"
mabalik sa cebu.
We celebrated the new year with our very kind host. She was an aunt and her German husband kaya libre lahat. I was actually worried cause I wasnt hearing a lot of fireworks like here in Manila. Pero nung nagcountdown kami ng 9,8,7,5,4,3,2,1..ayun ang dami palang fireworks! ang saya..tradisyon kasi yan sa pamilya na manuod sa magagandang fireworks display at tumalon para tumangkad. Ayun so..
Wala talagang handa.Meron lang sherry at traditional german chocolate biscuits.
Hindi ko naisip na masaya rin pala na konti ang handa. una, walang hassle sa pagprepare at paglilinis..Basta nandyan ang pamilya at merong sayawan,solve. Ang saya talaga pag sumasayaw..Parang nakakawala ako.hoooo yeahhh..
2nd day: Seaweed
Narinig ng host namin na gusto naming mga bata na magswimming. Gusto ko pagbalik ko sa opis,halatang nagswimming ako. Nagulat kami kasi matapos lang ang almusal sinabi nya na nakahanda na ang picninc basket namin! complete with swimming gear! Dinala kami sa napakagandang beach resort (Tambuli). Maganda ang sand. Hindi lang masyadong powdery pero parang foot spa ang mga pebbles.
Pero, pero..merong seaweed sa mismong dagat kaya minsan pakiramdam ko nakatapak na ko ng tao o anumang sea creature. Mababaw lang ang dagat kaya pag hindi nyo trip, edi sorry.
Anyway, maganda naman ang resort, 350 pesos consumable..50 pesos is the entrance fee and the 300 pesos is what you will you use to order food.. I also love the pool and the poolside. Feeling ko nasa Desperadas movie ako. Ang dami rin palang foreigners dun. Note to self: next time i will buy a really good looking swimsuit para kamukha ko na talaga si jessica alba.
Pagkatapos magswimming dinala kami sa Mactan shrine. Nakakagulat kasi ang bilis naming makarating dito.Walang traffic! And the good part is, that shrine is a public park and yet it's so clean and beautiful. Walang ganyan sa Maynila. At murang mura ang mga souvenir. dito kami bumili ng starfish.ilalagay ko yun sa scrapbook.
Literally, it's a park on top of the mountain. Dun makikita mo ang buong cebu city! at marami ng nagiinuman don. At ang best sa lahat, napakalamig! parang baguio. Meron ditong 50pesos entrance fee.
Nadaanan rin pala namin ang LDS temple in cebu na under construction. We're so lucky!
3rd day: hectic
Bumili kami ng otap sa Shamrock..ito talaga ang pinakauso dito. Meron din turones at dried mangoes. Mahal ng konti kasi tourist spot daw talaga ang cebu sabi ni ate. Ate naman o, trenta na lang ang gas.
Pagkatapos ay nagpunta kami sa Magellan's cross. Ang ganda talaga ng public parks dito! Nanguha pa ko ng mga kandila.harharhar. Anyway, sabi nila,dati raw ay sea shore ang lugar na yan kung saan tinirik ang krus ng espanyol. ibig sabihin reclaimed area sya.
from above
Nagpunta rin kami sa Fort San Pedro. Museum ito pero napakasayang maglakad lakad lang sa lawn. Merong mga kanyon, maganda ang architecture at napakahangin.Maganda rin ang garden na may grass at flowers. Pwedeng magshooting o gumulong (optional). Nga pala, ang dami ulit ng foreigners
After 2 seconds, dinala kami sa isang exclusive village. Akala ko kung anong gagawin namin dun. yun pala ay pupuntahan namin ang Taoist temple. Yung entrance ang linis! Akala ko yun na. Pero pagpasok.wow.parang nasa ibang bansa ka. Ang ganda ganda! walang justice ang mga pictures.
********
Sadly we had to leave and go back to Manila. Pero, grabe nakakarefresh talaga ang bakasyon na 'to. Kaya im ready to face work again!
Gusto ko lang ulitin na lahat ng gala namin ay libre. Mga bisita kami kaya talagang the best kind of hospitality ang ipinakita sa min. Anyways, mahaba na ang sinulat ko..Enjoy.
2 comments:
Hi!
Taoist Temple is very near Fort San Pedro? Gano kalayo?
You give me an idea about that Tambuli Resort. Day Pass there kung wala na kame magawang iba! ;)
waw, buti ka pa pa cebu cebu nlng... ahehe... *inggit.. :P
Post a Comment