Sunday, January 25, 2009

I want to talk to your supervisor!

Hi friends.

PROS
Ngayon naiintindihan ko nakung bakit maraming may gusto sa call center,
Una sa lahat, kahit fresh grad ka, okay (na okay) ang sweldo mo. Lalo na kung single ka at malamig ang naging pasko mo.
Matututo ka ng English.
Madali lang pag nasanay ka
at Mabilis lang ang promotion.
--yun ngang director namin sa account namin, 26 years old lang! 21 lang daw sya nung nagsimula sya bilang agent. Kaya naiinspire ako

CONS
- Namimiss ko matulog sa gabi..katabi ang mga kapatid ko.
- namimiss ko na kumain at magnight out kasama ang friends.
- para bang lagi akong kabado na may gagawin ako mamayang gabi
-matututo ka magmura at magsmoke sa inis dahil ang bagal ng system at dahil na rin sa mga floor walkers na hindi mo alam kung tinutulungan ka o dagdag lang sa mga pasakit mo sa buhay
- pag uwi ko sa bahay, pumasok na sila sa eskwela
- breakfast ang afterwork gimik mo. Mamili ka sa Bacolod Chicken Inasal, mga fastfood, Starbucks, at 7eleven

***
Anyway,pumunta naman tayo sa first call.
I received a call for the Dental dept. Pero Medical dept ako kaya mali. I tried to transfer her to Dental pero hindi ako marunong. Pano ba naman, tinuro lang samin ang pagamit sa AVAYA in 10 seconds.(What is an AVAYA? it is a phone from the Pleistocene period -Merriam Webster) Yung trainer namin, jargon pa ang ginagamit sa pagtuturo sa amin.

"Okay if you're on break, press Aux 1."
"To Login use, star 8o, then type your Lucent."
"To go back in, use Manual In."

What the heck, ano yan ate!.. Dapat maging sensitive ang mga trainer na hindi lahat sa amin ay may experience sa call center. Hindi pa nga ako marunong maghold. Minu-mute ko lang.
Pano ba naman, sinabi sa'min na to hold, press Hold, to go back to your caller, press Hold din daw. Badtrip. Maling- mali.

Tinawag tuloy akong ridiculous ng first caller ko. Well ridiculous na kung ridiculous, whatever. Gusto mo pang kausapin ang supervisor ko, well, ipinatransfer ko sya sa katabi ko at nirelease na yung call.

Hay, sa inis, kumain ako sa Mcdo ng maraming junk food kahit masira ang diet ko para lang ma-comfort ang sarili. Ganun pala pag stressed, ni hindi mo na malasahan ang pagkain, nilulunok mo na lang.

Pero nung second part nung araw, nakasagot nanaman ako ng tama sa mga tawag at pagsakay sa elevator, nakangiti ako magisa parang baliw. Ganun pala pag napapractice mo ang naituro sayo sa training. Fulfilled ka pag naging successful ang outcome at natulungan mo ang caller mo.

Tapos, napakagaling nung katabi ko. First day nya, meron na siyang commendation. Ang galing. Naiingit ako..pero naiinspire din ako to do better.

Oh well, another week has passed. Next week graduation na namin. Which only means..
Few calls and a lot of food. yipiyow yipiye

9 comments:

canky.is.me said...

so smoker ka na ngayon? nakakastress naman talaga eh.

samin allowed ang mute lang.:D hahaha ang magic ng avaya diba. naku, don't take the calls personally kasi nakaka-degrade talaga yung sinasabi ng mga CU na yan. kala mo kung sino hahaha

enjoy enjoy ka lang!:)

M A Y A said...

yep, 1996 pa nasa call center na ko... ang tanda ko na noh?! haha!

apat pa lng yta ang call centers sa Pinas nun, (i think) basta di pa kasingdami gaya ngayon. pero syempre ang mga callers pare-parehong unreasonable, well di nman lahat, pero karamihan ganun!

Anonymous said...

marami na talagang nag cacall center ngayon..hmmmm... hope maransan ko rin yan...san ka work? ipasok mo naman ako..hehehe

you must take a rest fren... wag masyado sa yosi... it's bad for our health yan...

stay safe :)

Anonymous said...

Hi guys, hindi ako nagyoyosi. nagegets ko lang kung bakit merong natututo magyosi
--from flor

Unknown said...

tumakas ka na!

buwahahahahahahahahahaha!

nakakasira ng barkada yan..

:)

lucas said...

parang nachachallenge ako dyan sa call center na yan. kung by next month wala pa ding work, papatusin ko na...hehe! :)

---
honestly dito lang ako sa blog nakakapagsulat ng ganito. hehe! thanks, flor :)

Poipagong (toiletots) said...

Hehe. di ko ata kaya yan... training palang, susuko nako.

hehe. galingan mo! peace!

lucas said...

yep. i'm a nurse...almost one year na! hehe! thanks for the drop :)

Sendo said...

must be having fun with call center---wanna try working kahit sandali lang =D

Blog Widget by LinkWithin