Thursday, July 15, 2010

Anong Meron sa Bulacan?

Isang nagmamadaling Flor ang naglakad papunta sa mall nung isang araw. May isang boy/girl na pumara sakin tapos biglang bati na "hindi naman ako masamang tao". Fine! Defensive sya agad kasi nakitang nakakunot na yung noo ko.

"Pwede bang humingi ng pamasahe?, kailangan ko lang pauwing Bulacan"

Nagbigay naman ako ng sampungpiso.Parang ayaw nyang tanggapin kasi mukhang kulang pa ang pamasahe papuntang probinsya. Pero sorry, sir/maam nagmamadali ako.
May isang mag-ina pa ulit na pumara sakin pero talagang late na ko e. 
***
Isang nagmamadaling Flor ang umuwing bigo galing sa job interview sa mall nung parehas ding araw. Yung mag-ina na pumara sakin nung una, nakita ko sila ulit. At syempre pinara din nila ulit ako. 

"Pwede bang humingi ng pamasahe?, kailangan ko lang papuntang Bulacan"
"Pwede na ba ang sampungpiso?" sabi ko. 

pero this time at least, hindi sila parang naiinis na sampungpiso lang ang bigay ko. Nagpasalamat pa talaga. Nung una, inisip ko na joke ba to? Magkababayan lang ba sila nung naunang ma'am/sir na pumara sakin?
Nung huli ko na lang napagisip isip na ano bang meron sa Bulacan at parang lahat ng pumapara sakin e pupunta dun? 

Naloko yata ako! Garrr.

10 comments:

kikilabotz said...

pano ma naman nasabi na naloko ka agad? kaw talga..minsan dumating ang pagkakataong may humingi ng tulong sayo. kaya go for it..tulng lng ng tulong ^_^

Flor said...

hi there, siguro nga tama ka. at least nung panahon na yun, nakapagbigay ako kahit konti haha

NoBenta said...

parang modus operandi yan....nakapanood na ako sa bitag ng ganyan. meron nga rin ako dating nakikita sa overpass na dinadaanan ko sa santolan noong nasa pinas pa ako. at araw-araw na ginawa ng Diyos ay araw-araw siyang nangangailangn ng pamasahe.

teka, ano nga ba ang meron sa bulacan?

Jesson Balaoing said...

ang meron sa bulacan ay anu? anu nga hehehe..

Arvin U. de la Peña said...

sa bulacan marami ang glass supply,hehe..add na po kita sa blog list..add mo rin sana ako..

Baliw na Kabayo said...

tama lang ang ginawa mo...tumulong na bokal sa loob mo..ako rin hihingi sana ako ng pamasahe papuntang bulacan...pede ba?

GLIP said...

hmmm. di mo pa pala alam na modus yan hehe. yung iba cavite ang gamit.

Anonymous said...

Hi everyone

Im a newbie here, although i have been watching on the sidelines for a little while.
Im a part time librarian, love baking and my wesie Daisy. I also am way too excited about Christmas for words!!
I cant wait to get on here some more and 'meet' lots of new people!

big respect, Dennis from [url=http://www.myonlinepayday.com]Personal Loans[/url] website!

Flor said...

@ baliw na kabayo: haha kasama ka pala sa kanila!

kcatwoman said...

spam comments!!! pano ba istop ang spam comments!

Blog Widget by LinkWithin