Saturday, May 15, 2010

No More Braces!

braces onbrace free

                                                               BEFORE ......................................... AFTER

Papa: "Wow talagang naayos na sya!"
Mama: "Anak, parang false teeth..
            Nako, tataba ka lalo kasi lahat pwede mo na kainin.
            Bawal ka na mag-Milo from now on."

Sa isip isip ko, "mama inggit lang kayo"

Anyway, halos 3 years na'ko naka-braces. Pag nakabraces ka, it's either ikakaganda mo or otherwise. Ako..otherwise. . Kaya nung inalis na yung mga brackets, iba yung naramdaman ko. Pakiramdam ko talaga may magbabago sa buhay ko.

Naalala ko tuloy nung natanggal na yung mga braces ni Ugly Betty. Isang buong episode ang nilaan para lang dun! In the end, gumanda sya, tumuwid ang buhok, napromote sa trabaho, at ..nainlove sa kanya yung boss nya. Gusto ko rin gumanda, gusto ko rin mapromote, pero hindi ko naman yata gustong mainlove yung ... sakin...? ....

ANYWAY.

Naalala ko noon, sobrang saya kong nagkwkwento sa isang kaibigan, tapos bigla syang tumigil at sinabing "Wag kang gagalaw, pipicturan ko lang yang orange na nakasabit [sa ipin mo]" -True Friend $@%&!

Dahil hindi na ko nagaalala na pag nagsmile ako, may nakasabit na kung ano sa bakal,mas nagiging confident na ko magsmile at makipagusap sa tao. Yun, isang pagbabago na yun. Confidence..

I welcome the change. I can really feel na katumbas ng pagbabago ng shape ng mukha ko, magbabago rin ang mga konting mga bagay bagay sa buhay ko. Diba nga, "True life is lived when tiny changes occur". It might be just a tiny change, but it is change, nonetheless.

haha OA.

8 comments:

kikilabotz said...

naks lalo ka nang mas magnda nagyun. apir

kombo.yata.to said...

Ganda-Ganda nia! *sabay kanta* Dalaga na sya, hindi na bata, kay daming pagbabago nakakapanibago

LHEY
http://www.asawa-at-ina.blogspot.com

http://www.lheybella.blogspot.com

Sendo said...

mas maganda nga ang walang braces...dahan dahan lang sa kain haha

eRLyN said...

naks new lay out and new look! :) im excited to have mine taken off na din. hehe :) congrats dear.

Flor said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Flor said...

@ kikilabotz: sympre gusto ko makasama sa hottest bloggers list mo haha.

@ lhey: salamat! congrats sa award mo nga pala
@sendo: oo nga, thnks sa warning. nyum nyum nyum
@ erlyn: youve noticed.. :) thanks!!!

Anney said...

mas masarap ng kumain at wala ng iintindihin sa mga sasabit sabit na kulay orange. hehehe! joke lang po.

Flor said...

@ anney: korek!! hahaha

Blog Widget by LinkWithin