Monday, May 31, 2010

New Banner

Notice anything new? Well then, please look on the upper side because you'll see my blog's new title-bearer  :)

banner for bestpinayblogever.blogspot.com

This is the first time ive made one for this blog so please tell me what you think about it.

Thanks,
Flor

Saturday, May 15, 2010

No More Braces!

braces onbrace free

                                                               BEFORE ......................................... AFTER

Papa: "Wow talagang naayos na sya!"
Mama: "Anak, parang false teeth..
            Nako, tataba ka lalo kasi lahat pwede mo na kainin.
            Bawal ka na mag-Milo from now on."

Sa isip isip ko, "mama inggit lang kayo"

Anyway, halos 3 years na'ko naka-braces. Pag nakabraces ka, it's either ikakaganda mo or otherwise. Ako..otherwise. . Kaya nung inalis na yung mga brackets, iba yung naramdaman ko. Pakiramdam ko talaga may magbabago sa buhay ko.

Naalala ko tuloy nung natanggal na yung mga braces ni Ugly Betty. Isang buong episode ang nilaan para lang dun! In the end, gumanda sya, tumuwid ang buhok, napromote sa trabaho, at ..nainlove sa kanya yung boss nya. Gusto ko rin gumanda, gusto ko rin mapromote, pero hindi ko naman yata gustong mainlove yung ... sakin...? ....

ANYWAY.

Naalala ko noon, sobrang saya kong nagkwkwento sa isang kaibigan, tapos bigla syang tumigil at sinabing "Wag kang gagalaw, pipicturan ko lang yang orange na nakasabit [sa ipin mo]" -True Friend $@%&!

Dahil hindi na ko nagaalala na pag nagsmile ako, may nakasabit na kung ano sa bakal,mas nagiging confident na ko magsmile at makipagusap sa tao. Yun, isang pagbabago na yun. Confidence..

I welcome the change. I can really feel na katumbas ng pagbabago ng shape ng mukha ko, magbabago rin ang mga konting mga bagay bagay sa buhay ko. Diba nga, "True life is lived when tiny changes occur". It might be just a tiny change, but it is change, nonetheless.

haha OA.

Monday, May 10, 2010

"Walang Day Off !" -- Mama


It's Mother's day again and unlike last year, ginawa kong memorable para kay mama kahit papano ang mother's day.

1. Binigyan ko sya ng Day Spa gift certificates. Maraming nagsasabi na ang gift certificates ay binibigay lang ng walang maisip na iregalo. Unimaginative daw kasi walang preparation na involved.. Pwes, ang mahal kaya no! It's the thought that counts naman. Natuwa sya sa mga massage, facial, etc na nakalagay sa mga certificate. At nakahinga ako ng malalim dahil natuwa rin sya dun sa "Diamond peel" service dun. Akala ko mao-offend sya.

2. Bumili rin kami ng cake [at ice cream] para sa tatlong espesyal na nanay sa family namin. Yan ay sa kadahilanang alam naman namin na hindi nila ito masyadong kakainin dahil sa hindi na pwede (diabetic, cholesterol, high blood). Ergo, sa amin mapupunta ang malaking bahagi ng cake at ice cream. (evil laugh)


Nababasa mo ba ang nakasulat sa cake? (base ito sa aktuwal na reaksyon ng mga kumain ng cake)

a. I O U (i owe you)
b. mukhang stick man
c. hindi kayang mabasa

3. Alam ko na iisipin nyo na ako ang pinakamasamang anak.. pero .. Sya pa rin ang nagligpit ng pinggan! wah sorry. Nagrereklamo pa naman sya na mabuti pa ang katulong, may day off.

***
Anyway, share ko din yung gift ng kaibigan ko sa mom nya.


Talong talo ang gift certs ko dito, bigtime!
Blog Widget by LinkWithin