Tuesday, November 11, 2008

Masakit ang..

Masakit ang coccyx ko.
Coccyx.
Ano daw?
buto sa butt yan.

Naglalakad kami kahapon ni motherhood. Umakyat ako ng konti sa isang mababang rampa at yun..the rest is history (O.A.)


linya ni mother: Anak, bakit bigla kang nawala?

Nadulas kasi ako sa rampa at malakas talaga ang bagsak sa semento.Kaya talagang mawawala ako sa paningin nya. Ang mga sumunod na nangyari ay pang-MMK. Ang sakit.. kaya napaluhod na lang ako at yumakap kay mama. Tapos parang naging blurred yung pandinig ko. I did breathing exercises to relieve the pain. Ang daming rin palang nakakita sa nangyari. Pero pag masakit na ang pwet ko, wala na kong pakialam kahit nakatingin pa si Marc Nelson.


Mukha tuloy akong nakayakap sa nanay ko na para bang mag-aabroad sya ng 10 years sabay sigaw ng "inaaay!" (Aking ina..mahal kong ina.... -kanta sa Remy)

Anyway, worried na worried talaga si mama. Buti naman at kinaya ko pang umuwi. I hope hindi magkafracture ang coccyx area dahil sabi sa google medyo "slow" ang healing time nun. Kaya guys, magingat kayo sa paglalakad sa mga madudulas at sa mga ramps. Okay.

13 comments:

Bloom said...

pagmamahal mo aking ina, yakap sa aki'y hinahanap ko.. ok payn, di ko na alam ano sunod! wahahahahahaha..

PHARAOH said...

hehehehehe. that was hilarious. hehehehehe

gillboard said...

(Aking ina..mahal kong ina.... -kanta sa Remy)

di ba kanta ni Sme yan, dun sa Peter Pan? hmmm...

lucas said...

wow..talagang niresearch mo pa ha? hehe! anyway hope the pain would go away soon...:)

you're studying the health sciences aren't you? i miss my ana-physio class..hehe!

cool!

Anonymous said...

hi! sana okey na ang coccyx mo, sana hindi na ito masakit. mag-iingat palagi.

RJ said...

Nice illustration! Gawa mo?

Sana hindi na masakit ang coccygeal region mo ngayon. Kung meron pa, magpa-check ka na.

Anonymous said...

Coccyx, what ever it is should be x-rayed just to be sure. In the bright side, our butt has enough muscle naman to absorb some of the impact. I hope muscle pain lang yan.

BTW, thanks for visiting my blog.

Anonymous said...

hi girl...i take care of myself na tagala, especially against slip ups. coz i am pregnant. i walk really slowly now...

hope all is well. take care dear! :-) visit me again ha. :D

Anonymous said...

dear, i hope your coccyx is well now...did i get the spelling right? haha

take care always!

Anonymous said...

dropping by to see how you are...sad to hear you're injured. but i hope you get well soon! :D

Anonymous said...

to everyone: medyo masakit pero kaya pa naman.ayokong mgpaxray kasi nakakahiya

@ bloom: wow,alam mo yung kanta, halatang mgka-age tyo

@ gillboard: remy po talaga yan

@ rj:thanks, it was a rough sketch

@ poshpost: be careful and congrats on your pregnancy

Anonymous said...

oh.. am sorry to hear that form you my friend.. hope your ok now...

hmmm...naranasan ko na rin yan..(nung college pa aq).. yun nga lang sa akin nadulas ako sa may cr namin..ouch!sakit nun...hindi ako nakapasok ng dalawang araw kc sobrang natagtag ang aking "butt".. nagpa xray naman kami..ayun! nalamug lamug lang naman....hehehe...

hay.. mag ingat sa susunod :)

Anonymous said...

uy.. may natutunan ako. haha. un pala tawag dun.. yes! may ipangyayabang na ako! lol. haha.

bigla akong napa smile pagkabasa dun sa lyrics ng kanta sa Remy.. naalala ko 2loy un, bata pa ako nung napanood ko yun sa ABS-CBN tuwing umaga bago ang sineskwela, yata. hehe

Blog Widget by LinkWithin