Wednesday, October 22, 2008

Embarassing moment (HK part 3 of 3)

(sa kalaliman ng gabi..)

Napakasakit na talaga ng tiyan ko dahil kumain kami sa restaurant ng ulam na panglimang tao. eh 2 lang kami ni Mami at kinain ko halos lahat dahil nga bawal sa kanya ang cholesterol.

Kaya naisipan kong magexercise sa hall ng floor namin. Wala akong maisip na exercise. At dahil fan ako ng America's Next Top Model, naisipan kong magrunway walk pabalik-pabalik sa hall.

Kaya ayan todo strut ako at nageemote pa ko dahil i really wanna be a model. (huwaw)

Nung pagod na ko, paglingon ko ay walang kaabog-abog (O.A.) ay meron palang surveillance camera na nanonood sa aking fashion show. Nagsmile na lang ako at nagpeace sign.

Kinabukasan, yung tagalinis ng floor ay ngiting-ngiti nung makita ako na para bang meron syang kakaibang alam.

Sikat na ko.

2 comments:

mArGa said...

ay0s! lolz ;p

bruce said...

Hi, your article is very informative.Thanks for sharing it

Blog Widget by LinkWithin