Hongkong Chronicles:
Nagkakamali ka,hindi ako DH. (I mean no offense to OFWs,mehn,they keep our economy up).
Dinala ako ng aking Lola (Mami) sa Hongkong dahil sabi nya number 11 daw ako sa board exam. Hindi po totoo yan, pero hinahayaan ko na lang syang mag-ilusyon. Bale sinabi nya lang naman yan sa lahat ng kachurch mates at katext nya. Ang talino ko talaga,'no. Kaya pala pinurga ako ng text nung gabi na "congrats kukai,number 11 pala ha!"
Anyway, ito ang mga naganap.
1. Unang binili sa HK: Bayabas
Saan: sa Bangketa
2. favorite tour guide: Mary with Bangs (kahit inenegosyo nya kami, Chinese talaga)
joke nya: Hi I am Mary Chan, my uncle is Jackie Chan
3. Natutunan ko kung ano ang most popular restaurant in the world..
Sabi ng tour guide: Madonnows..Maddonows... Translation:McDonald's
4. Speaking of restos
> Sa HK, kabaligtaran ang Pilipinas, ang menu doon maliliit lang ang photos ng pagkain, pero pag sinerve sayo pang limang tao (not exag, pero malay mo, kaya try mo, baka niloloko kita). basta SULIT!
> sa menu, may nakasulat na Squid and Prawns & delicious ingredients, ano kaya ang delicious na yun?
> iisa lang ang amoy ng mga kainan sa kanila, (high end man o carinderia) at masarap ito
> Puro sign language kami habang umoorder, sige nga pano mo isasign language ang kanin o kaya ice cream? (AL,AL, AL --kunyari dumidila sa cone)
> pinanood kami ng waitress na magbayad ng tip
> first time ko makaranas makatikim ng blueberry cheesecake na hilaw pa ang blueberry.
5. First time ko rin makapunta sa Japanese restaurant dito na umiikot yung table katulad sa mga japanese anime shows like naruto.Sarap talaga at mura pa..
6. Astig ang mga tao don, mukhang anime ang mga guys at ang ibang girls, sobrang ganda at fashionable. (Mr. Right?)
7. Kinolekta ko ang mga coke cans and bottles nila dahil kakaiba. Worth 12 and 8 HKD respectively. Just imagine, mas mahal pa yan sa 1.5 litres na coke natin dito. Sarap mabuhay sa Pilipinas.
8. Na-gets ko kung bakit isa 'tong shopping capital ng mundo kahit may kamahalan. Puro unique kasi ang items dito at innovative. Tipong pag umuwi ka ng Pilipinas, ikaw lang ang meron.
9. Mahirap maghanap ng marunong mag- English. Tip: magdala ng chinese-english dictionary --from fatherhood
10. i love you disneyland. pero badtrip dahil namiss ko yung parade..I shall return
11. Prente ka maglakad sa streets, parang wlang magnanakaw sayo. Pero wag kayo, dahil naloko rin ako.
Binentahan ako ng hikaw a 10HKD lang naman pero yung pakaw, sobrang hindi man lang shoot sa hikaw, so hindi ko nagamit ang purchase ko.
12. Translations:
hello - Ni hao
thank you - Sheshe
tawad! (sa pamimimili) - Pandi
13. Ang airport nila ay sing laki ng MOA, mga 2 times at hindi ka maliligaw. Meron kainan, duty free, bookstore, starbucks,etc. Meanwhile, ang international airport (NAIA3) natin ay nahuhulog ang kisame.
14. They have the best traffic and sidewalk policies. Nagalit si Mary nung pinara namin yung bus sa gitna ng kalsada.
at wala pang 30 minutes ay natraverse na namin ang singlayo siguro ng Batangas or Tagaytay man lang.
15: Pag may bahay ka dun, super yaman mo. Lahat ng tao ay nakatira sa tall buildings.
16. May asawa pala si Jackie Chan na Taiwanese actress.
17. 6 means forever, and 8 means prosperity. (kaya ang 168, means forever prosperous)
Sige mahaba-haba na to. Ni-Hao!!!
More HK stories later.
Monday, October 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Hahaha. Natawa ako sa AL AL AL! At pucha, ginaya ko pa! *LOLz*
Huwaw new blogger! Sulat lang ng sulat. = D
mukha ngang mga anime ang mga kalalakihan diyan! sarap lamutakin ng mga mukha eh!
O loved reading your entry on Hong Kong. We'll be going there this November, and I know what to look forward to na. :)
Siguro nga mataas ang marka mo sa Nursing Board Exam... Pwede mo naman sigurong pagsabayin, aral ng pagiging cartoonist, then mag-practice being a nurse! Sayang din ang time, experience din yun.
Natuwa ako sa mga HK notes mo, tulad sa HK, maliliit din ang photos ng mga pagkain sa mga Chinese Restaurants dito sa bansang kinalalagyan ko, pero pag-i-serve na pang 3 persons ito. Marami lang siguro akong kumain kaya 5 servings ang sukat mo.
Sa Madonnows ba nila may rice din? Extra rice?
hello ni hao!!! yeah totoo... nakatirra na ako dito for more than two years sa china sa north nga lang.pero based sa translation sa chinese na natutunan mo mukhang gumagamit din sila ng mandarin doon. at nakakatuwa ang food nga nila ang serving e pang higante di ba hehehe.. saka nga pala ung pag tawad e hindi piandi... pian yi diar.di ko sure kong tama ang spelling ko sa pinyin.. hehehe pian-i kapag sinabi.. hehehe okay ang HK adventure mo.. saya saya!
haha...sa naalala ko lalaki ung nagtour samin...
and talagang cool ang mga tao run! sobra, anime na anime dating hehe..
gusto ko nga dun na lang tumira haha
ganda talaga HK
wow congrats sa pagiging number 11 hehe
I like this! Great Info! Thanks
Post a Comment