Talagang minsan sobrang nakakaasar bumiyahe dito sa Maynila. 6:30 out sa office, 9:30 na nakarating sa bahay! Talo ko pa ang lumuwas, eh Metro Manila lang naman ang iniikot ko. Hay nako! Simulan nyo na ang the Fort Bus. "Less Stress" daw ang motto nila, pero dapat may statement sa ilalim na, "Less Stress... During non-rush hours... otherwise, megastress!" To think na, pumipila yung mga tao, bumababa lang sa mga designated bus stops, pero mas mahirap! Bakit parang mas madali pang makipagsikuhan sa Coastal bus stop area going to Edsa kung saan walang sistema sa pagpila kaysa sa the Fort Bus Station na disciplinado ang sistema. Wahhh, only in the Philippines! Truly, it defies reason.
Isa pa yang FX station sa Makati. Talaga namang walang mas reasonableng dapat sakyan kung hindi ang mga vans nila na dederetso sa lugar nyo. Pero grabe, kung magmahal, limang piso agad. Akala mo naman may nagimprove, halos maloka pa rin ako sa kakahintay ng FX. Shems, iuwi nyo na kami, please!
Basta talagang grabeng grabe ang traffic dito sa Maynila. Hindi naman ako nag-O.T. pero parang sana nag-OT na lang ako. Kumita pa sana. Alam nyo pag traffic nagiging masungit ang mga nasa paligid ko o kasama sa pila. Nakakunot mga noo, nagtsk-tsk sila, tapos umiikot yung mga mata parang may invisible na kaaway. Hahaha. Ewan, kakaiba ang epekto ng traffic sa mga tao.
Kanina lang sa van, nakatulog ka na't lahat pagkagising mo halfway ka pa lang. Close na nga kami nung mga pasahero e. Sa tagal ng stay namin dun, rinding -rindi na kami dun sa usapan ng driver at ng mga kakosa nya sa walkie-talkie. Masakit na yung pwet at pati mga tuhod stiff na kasi matagal na naka-bend. Inis na inis na rin ako sa magboyfriend na nag pi-PDA sa harap ko. Hay... inis na inis na nga ang beauty ko, iniinggit nyo pa!
Pasok sa eksena ang favorite motto ko -- "Dadaloy din ang ginhawa". Patay na, may digging ang Maynilad! Grabe, patong patong na, halos dalawang lane na lang ang dinadaanan ng mga sasakyan. Dagdag pa sa traffic! Ganito rin ba sa inyo?
***
Sana may magawa ang MMDA tungkol sa traffic sa Maynila, although kung ako rin ang taga-MMDA, hindi ko rin alam kung pano. Grabe sakit sa ulo yung nata-trap ka everyday sa paghintay na makauwi ka na, sobrang hirap sa pagcommute, nako! Kung araw araw ganito nakakapagod rin. Ano, magiimplement na naman sila ng mga pahirap na rules tulad ng number coding sa public buses? Nako, isip naman kayo ng mga rules na hindi general commuting public ang nahihirapan. Kita mo nga ngayon, matraffic pa rin naman ah.
O sige na masyadong napahaba na 'tong sinulat ko. Naglalabas lang naman ako actually ng sama ng loob sa naranasan ko today.
Okay good night and good luck.
Baclaran Day tomorrow.
Yours sincerely, Flor.