Tuesday, February 24, 2009

Tatanda at lilipas din.

I feel lucky bec. I can actually witness my brother as he grows up. Pero marami na ring nagbabago sa kanya, kasi nga lumalaki na sya, kaya nakakalungkot lang na hindi na sa kanya pwede ang bine-baby.
7 yrs..... 9yrs
.......................................almost 12

Marami ng pagbabago simula ng maging preteen na sya:
noon: pang bunot yung buhok nya pero okay lang
at 12 yrs: pero ngayon kailangan may bangs na nakasidesweep (emo) o di kaya ay may patilya o di kaya, kailangan long back.
.
noon: trip nya lang ay pokemon,
at 12 yrs: ngayon, cellphone na at mga gadget.
.
noon: Pag lumalabas, dati terno ternong snoopy ang sinusuot nya,
at 12 yrs: ngayon kailangan black polo, skinny jeans at sneakers. Kaya tip sa inyong mga nanay, wag ipapapanood sa mga anak ang jonas brothers.
.
noon: holding hands kami pag tumatawid
at 12 yrs: bawal na ang magholding hands
.
noon: lagi kaming umaatend ng mga school activities nya
at 12 yrs: bawal na pumunta sa skul para magcheering sa basketball game nya
.
noon: ang nickname sa kanya sa bahay ay bebi
at 12 yrs: pwede pa rin tawaging bebi, pero sa bahay lang
.
pero ang nakakapagtaka..type na type nya si JC de vera. Shucks dumadaan na rin yata si wenz sa identity crisis..
.
Pero marami pa ring mga hindi nagbago tulad ng ..
-nagpapatimplapa rin sya ng milo
-talo pa rin sya sa'kin sa wrestling
-pumapayag pa rin sya magpakiss
.
bakit ko ba naiisip to'..Tumatanda na rin yata ako.

Friday, February 6, 2009

line of the day

habang kumakain ng lunch..
kuya: mukhang hiyang ka yata dito sa call center
flor: (napakapit sa braso) pano mo nasabi yan?
kuya: medyo lumalaki yung ano..braso mo..Nagbubuhat ka ba?

1 point para sa self-esteem!
Blog Widget by LinkWithin